Libreng medical, dental mission at gupit para sa mga senior citizen, matagumpay naisagawa sa Biñan, Laguna

Isang matagumpay na Libreng Medical, Dental Mission at Gupit sa mga Senior Citizen ang isinagawa sa Bgy.Livelihood Center ng Bgy. Langkiwa, Binan City, Laguna.

Ito ay pinangunahan ng Pamahalaang Barangay ng Langkiwa na si Kap. Rodolfo Montanez, kasama ang mga Bgy. Opisyales, Go Forward Binan Foundation, Gay Alliance for Len Alonte (GALA) sa suporta ng Pamahalaang Lungsod at Senior Citizen President na si Alma Alonzo ay naging matagumpay ang nasabing aktibidad.

Ito ay dinaluhan ng mahigit 250 senior citizen ang nakinabang sa libreng Medical, dental at pamamahagi ng gamot at libreng gupit ang ipinagkaloob sa kanila ng boluntaryong serbisyo ng mga doctor, Dentista at manggugupit ng naturang lungsod.

Pangunahing layunin nito ang matulungan ang mga sector ng katandaan na bigyan sila libreng serbiyong medikal at higit sa lahat sa mga patuloy na naniniwala sa kahalagahan ng tamang pag-aalaga sa kanilang kalusugan.

Ulat nina Wilson&Jackie Palima

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *