Maligaya summer blast sa Philippine Arena, dinagsa

Dinagsa ng ating mga kababayan ang idinaos ang Maligaya summer blast sa Philippine Arena sa Ciudad de Victoria, Bocaue, Bulacan.

Sinamantala ng iba ang pagkakataon para makasama ang buo nilang pamilya sa masayang pagtitipon kahit mainit ang panahon.

Tampok sa  summer blast ang  kakaiba at bagong mga atraksyon na akma sa init ng panahon gaya ng improvised swimming pool.

Dinayo rin ang mga Rides, Bazzar, at ang The Garden kung saan dito naman nila makikita ang iba’t-ibang uri ng mga halaman at mga hayop.
Naging patok rin ang mga inuming pampawi ng init gaya ng mga s fruit juices, milk tea at fruit shake at inuming tubig.
Idinaos naman sa hapon at gabi ang concert mula sa mga piling mang-aawit ng bansa at mga Pinoy bands.
Sa kabuuan, naging payapa ang nasabing okasyon sa pamamagitan ng maigting na pagbabantay ng mga kagawad ng pulis katuwang ang ating mga kababayan mula sa Scan International.
=============
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *