NDRRMC, umaasang may makikita pang buhay sa mga gumuhong lupa sa Naga City, Cebu

Umaasa ang Rescue team na makakakuha pa ng survivors sa landslide area sa Naga City Cebu.

 

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Director Edgar Posadas, naglagay na sila ng Life locator at sensor sa landslide area na posibleng magbigay sa kanila ng indikasyon na mayroon pang nananatiling buhay sa ilalim ng mga gumuhong lupa.

 

Katuwang ng NDRRMC sa rescue operation ang mga uniformed service personnel gaya ng Armed forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection at Philippine Coast Guard.

We are hopeful po na makakakita pa tayo ng buhay kaya we’re trying to give our best shot at maganda naman yng coordination with aerial at nakita natin yung extent ng pagguho ng lupa”.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *