Occidental Mindoro, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Occidental Mindoro kaninang madaling araw.

Naitala ang epicenter ng lindol sa layong labing siyam (19) na kilometro sa kanluran ng bayan ng Abra de Ilog.

May lalim ang pagyanig na 19 na kilometro at tectonic ang dahilan.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs, wala namang inaasahang mga kasunod na pagyanig at pinsala sa ari-arian.

 

===========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *