Pamilihang bayan ng Paniqui, Tarlac nasunog

Nasunog ang pamilihang bayan ng Paniqui sa lalawigan ng Tarlac.

Ayon sa isang fire fighter na si Benny Calosing, nag umpisa ang sunog kaninang mga bandang ala- una ng madaling araw.

Wala pang maibigay na malinaw na dahilan ng sunog ang sangay ng BFP at PNP sapagkat ongoing pa ang kanilang isinasagawang pag apula ng sunog maging ng pag iimbistiga.

Naabutan pa ng Eagle News ang isang bahagi ng pamilihan na umaapoy kaninang alas dyes ng umaga.

Ang ilang mga tenants na dumating ay nagpatulong sa mga fire fighter na makapasok sa loob ng kanilang tindahan at nagbakasakaling may maisalba pa sa kanilang mga paninda at gamit lalo na ang naiwan daw nilang mga cash sa vault.

Mula harap hanggang sa likod ay sunog ang buong palengke.

ulat ni Ismael Mateo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *