Pampasaherong bangka lumubog sa Calatagan Batangas, 57 pasahero at 10 tripulante, nailigtas

Isang pampasaherong bangka sakay ang 67 katao kabilang ang 10 tripulante ang lumubog sa karagatang sakop ng calatagan batangas.

Ligtas na naiahon ng cost guard batangas mula sa lumubog na MV Lucky Benjamin ang 57 pasahero at 10 tripulante matapos na hampasin ng malalakas na alon ang bangka at tuluyan ng lumubog.

Patungo ng Looc Occ. Mindoro ang bangka ng hampasin ng malalaking alon sa pagitan ng Calatagan at Lubang island sa Occ. Mindoro.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Calatagan Police at ng coast guard sa nangyaring insidente.

Ulat ni Ghadzs Rodelas

@Ghadzs1

Photos Courtesy of Philippine Coast Guard Batangas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *