SUV tumilapon sa isang kanal sa kahabaan ng isinasagawang four lanes under construction sa Isabela.

Isang aksidente ang naganap sa isinasagawang Road Construction ng Four Lanes dito sa public hi-way ng Barangay Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.

Tumilapon ang isang ISUZU MUX na sasakyang SUV sa isang kanal na tila pumarking sa gilid ng kalsada.

Agad na rumesponde ang mga barangay tanod at ilang mga kalapit residente sa nasabing lugar.

Mapalad ang biktima na di nasaktan ang drayber sa naganap na insidente.

Ngunit nawasak ang harapan ng sasakyan ng SUV. Pauwi na noon ang drayber nang maganap ang aksidenteng ito.

Ang nakikitang dahilan ng pagtilapon ng SUV ay ang mabilis na pagpapatakbo na hindi na napansin ang roadsign sa underconstruction na daan Kung kayat sa ibang dereksyon ito tumilapon.

Pinag-iingat naman ng mga awtoridad ang mga nagmamaneho ng four wheels na maging gising at tumingin sa mga signage sa mga daan upang di makapinsala ng ari arian at ng buhay ng tao.

Ulat ni Nhelmar Domingo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *