Provisional increase sa pasahe sa jeepney pinag-aaralan na ng LTFRB

 

Posibleng pagbigyan ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na taas pasahe sa mga jeepney.

Ito  ang ipinahiwatig ng LTFRB sa harap na rin ng sunod – sunod na pagsirit sa presyo ng langis na ngayo’y nasa ika-9 sunod na linggo na.

Pero ayon sa LTFRB, tinatayang nasa 50 sentimos lamang ang ipatutupad na provisional increase batay na rin sa naging rekumendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) para sa mga jeepney habang piso naman sa ordinary bus.

Mas maliit ito kung tutuusin sa hirit na 12 pesos na minimum fare sa jeepney habang pasok naman ito sa hinihiling na 11 pesos na minimum fare sa mga non – aircon o ordinary buses.

Una rito, inihayag ng NEDA  na makaaapekto sa annual inflation ngayong 2018 kung ibibigay ng LTFRB ang hirit na dagdag pasahe sa jeepney at bus mula oktubre lalo na sa cost of living o gastusin maging sa presyo ng mga produkot at serbisyo.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *