Proyektong Feeding on Wheels, pinangunahan ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa Alfonso, Cavite

Patuloy na isinasagawa ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan ng Alfonso Cavite, ang kanilang lingguhang aktibidad at proyektong feeding on wheels.


Pinangunahan ito ng kanilang SK President na si Krystel Faye Alcazar, katuwang ang mga opisyal mula sa Municipal Social Welfare Development Office ng Alfonso.

Aabot sa 32 mga barangay ang kanilang nabigyan ng pagkain kasama na ang nasa 1,000 mga day care pupils na naka enroll sa mga day care center sa kanilang bayan.


Layon nitong matulungan ang mga kabataan sa kanilang bayan na magkaroon ng maayos at magandang nutrisyon habang nag aaral sa pamamagitan ng modular learning approach.


Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: