PRRD, hindi naghain ng COC sa pagka-Pangalawang Pangulo sa halip ipinalit si Senador Bong Go

Hindi naghain ng kaniyang Certificate of Candidacy sa Commission on Elections si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinamahan ng Pangulo sa paghahain ng COC si Senador Bong Go bilang Vice-President sa COMELEC filing area sa Sofitel Pasay City.

Si Go ang magiging Vice Presidential Candidate ng ruling party PDP-Laban Alfonso Cusi wing.

Ikinagulat ng publiko ang biglaang paghahain ng COC ni Senador Go bilang Vice Presidential Candidate dahil ang inaasahan ay si Pangulong Duterte batay sa endorsement ng ruling party PDP Laban.

Inihayag ng Pangulo na hindi na niya itinuloy ang pagtakbo bilang Vice President dahil may malalabag na probisyon ng Saligang Batas.

Inihayag ng Pangulo na magreretiro na siya sa pulitika pagkatapos ng kaniyang termino sa June 30, 2022.

Vic Somintac

Please follow and like us: