Publiko, binalaan sa “Labubu” tumblers na nagtataglay ng toxic lead 

Nagbabala sa publiko ang isang anti-chemical pollution advocacy group, tungkol sa tatlong tumblers na may dekorasyon ng “labubu” characters, na nagtataglay ng mataas na lebel ng lead.

Sa ulat ng Ecowaste Coalition, ang nabanggit na tumblers ay bahagi ng anim na “Unofficial Labubu” merchandise items na ipinagbibili sa halagang P275 bawat isa.

Nadiskubre sa tatlong tumblers na pink, pula at dilaw, ang mahigit sa 1,000 parts per million (PPM) ng lead nang ito ay suriin gamit ang isang x-ray fluorescence analyzer.

Ang allowed lead limit lamang para sa mga pintura ay 90 PPM.

Ayon sa grupo, ang exposure sa lead, kahit sa mababang doses lamang ay mapanganib sa kalusugan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *