Publiko, hinimok ng NDRRMC na makiisa sa isasagawang earthquake drill

Hinimok ng National Disaster Risk Reduction Management Council  ang publiko na makibahagi sa isasagawang national simultaneous earthquake drill ngayong araw.

Ayon kay Romina Marasigan, tagapagsalita ng NDRRMC,  magsisimula ang nasabing drill mamayang alas-dos ng hapon kung saan napili ang Cebu City bilang ceremonial venue.

Nais ng NDRRMC na malaman ang kahandaan ng mga mamamayan sakaling dumating ang malakas na paglindol.

Tiniyak naman ng ilang ahensya na makibahagi sa aktibidad para maipakita nila ang kahandaan at ang gagawin sa panahon ng kalamidad.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.