Pulis Las Pinas na naaktuhang nagpa-pot session nagpositibo sa paggamit ng illegal drugs

Nagpositibo sa paggamit ng illegal drugs si Superintendent Lito Cabamongan.

Si Cabamongan ay naaresto kahapon habang nagpa post session sa Las Pinas.

Ayon kay PNP Crime Lab Chief Superintendent Aurelio Tarmpe, nagpositibo sa droga si Cabamongan sa initial lab testing.

Pero isasalang pa aniya ito sa confirmatory test at malalaman pa ang resulta sa loob ng isang linggo.

Sakaling magpositibo sa confirmatory test, ipoproseso na aniya ang pagsibak kay Cabamongan at sasampahan na rin ito ng kaso.

 

Please follow and like us: