Pulis na nabaril sa shoot-out sa Zamboanga city, pumanaw na

Pumanaw na ang pulis na nabaril sa shoot-out sa Zamboanga city.

Si PSG Larry Balasabas ay magsisilbi sana ng Warrant of Arrest sa hide-out ni Nurhasan Jalao sa Purok 6, Barangay Recodo nang paputukan ng suspect.

Si Jalao ay suspect umano sa ilang mga nagaganap na patayan sa lugar.

Apat na iba pa anga napaulat na namanay sa shoot-out.

Nagtamo ng matinding tama ng bala sa ulo si Balasabas na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Umabot din ng halos 16 na oras ang operasyon sa nasabing pulis.

Nagpapatuloy naman ang manhunt operation ng Zamboanga city PNP laban sa nakatakas na suspect.

 

Ulat ni Ely Dumaboc

Please follow and like us: