Puspusang paglilinis sa hanay mga pulis sa QCPD,mas paiigtingin pa ng bagong QCPD Chief

Susundan ng bagong Quezon city Police district (QCPD) Chief Col. Ronnie Montejo ang mga programang ipinatutupad ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde.

Ilan dito ang mga pinaigting na programa laban sa iligal na droga.

Ipagpapatuloy din ni Montejo ang mahigpit na pagpapatupad ng internal cleansing sa kaniyang mga tauhan.

Tutularan din aniya niya ang crime prevention program at enhancement on police operation program ng dating QCPD Chief Brig. General Joselito Esquivel dahil din sa magandang sinimulan nito.

Bago maitalaga sa QCPD, si Montejo ay nagsilbi bilang Deputy Director for Administration ng Northern Police District sa Camanava area at nagsilbi ring siya bilang District Director ng Laguna Provincial Police office at Cgief for Regional operations naman ng PNP-Calabarzon.

Yung mga deployment ng ating mga kapulisan na nagko-conduct ng patrol ay paiigtingin natin at yung drive natin sa internal cleansing at squading ng ating mga kapulisan na nakadeploy sa mga streets at any other strategic locations or areas, sila-sila na ang magbabantayan sa kanilang mga kasamahan”.

Acting QCPD Chief Col. Ronnie Montejo
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *