QC Gov’t, nagtalaga na ng Covid-19 Vaccination sites

Nagtalaga na ng 10 lokasyon para sa Covid-19 Vaccinations ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Sa isang statement, sinabi ng City Government na ito ay bahagi ng finalization ng timeline pagdating ng bakuna laban sa Covid-19.

Ito ang mga sumusunod na lugar:

DISTRICT 1 – Project 6, Tennis court
DISTRICT 2 – Batasan Hills National High-School; NGC Covered court
DISTRICT 3 – Aguinaldo Elementary School
DISTRICT 4 – Doña Josefa Jara Martinez High-School
DISTRICT 5 – Kaligayahan activity center; Fairview covered court
DISTRICT 6 – Emilio Jacinto Elementary school ; Culiat High-School

Samantala, nakatakda pang magtalaga ng Pamahalaang Panlungsod ng hanggang sa 24 Vaccination sites sa mga ospital.

=============

Please follow and like us: