QC handa na sa pagbubukas ng klase

Handa na ang Quezon City at mga kawani ng Schools Division Office sa nalalapit na pasukan sa October 5.

Ipinamahagi na ang mga module at textbook sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa elementarya sa Quezon City.

Sinabi ni Chelma Cabatic, Principal ng Aguinaldo Elementary School sa QC na marami silang aktibidad na ginawa upang lubos na ihanda ang mga magulang lalo na ang mga estudyante sa pagpasok sa ilalim ng new normal.

Ayon kay Cabatic, nagsagawa sila ng  webinar series na dito ay ibat ibang pagksa ang tinalakay tulad ng mental health matters among parents and children, teaching numeracy at maraming iba pa.

Sinabi naman ni Rosella Dacquel, Principal sa Nagkaisang Nayon Elementary School na kasabay ng pagbubukas ng klase ay ang pagdiriwang ng World Teachers Day.

Kaya naman very proud silang nasa teaching profession dahil kahit nararanasan ang pandemya ay patuloy na kinakikitaan ang mga magulang na lubos na pagpapahalaga sa pag aaral ng kanilang mga anak.

Belle Surara

Please follow and like us: