QC LGU nagsimula nang mamahagi ng sim cards para sa mag-aaral ng lungsod

Ipinamahagi na ng Schools Division Office (SDO) ang data SIM cards  para sa mga Junior at Senior High- school public students  na papasok sa academic School Year 2020 to 2021.


Kabilang dito ang pag-install ng Go WIFI access points para sa 1-hour free internet ng sinumang nangangailangan nito.

Nilagyan ng 10 GB data load ang data sim card upang magkaroon ng access sa mga online learning materials.

Bukod dito, may security features ang sim card para hindi maka access ng mga website tulad ng gaming na walang kaugnayan sa online learning upang matiyak na gagamitin lang ang tablet sa pag-aaral.

Belle Surara

Please follow and like us: