Quarantine classification na ipatutupad sa Mayo ihahayag ni Pangulong Duterte sa miyerkules – Malakanyang

I-aanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Miyerkules Abril 28 ang bagong quarantine classification na ipatutupad ng pamahalaan sa National Capital Region o NCR at iba pang lugar sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na magpupulong pa sa Abril 27 araw ng Martes ang Inter Agency Task o IATF para isapinal ang gagawing rekomendasyon sa Pangulo kaugnay ng ipatutupad na quarantine classification.

Ayon kay Roque si Pangulong Duterte na mismo ang maghahayag ng susunod na quarantine classification kasabay ng kanyang weekly talk to the people.

Inihayag ni Roque kabilang sa konsiderasyon ng IATF para sa magiging rekomendasyon sa Pangulo sa bagong quarantine classification ay ang daily attack rate, 2 week attack rate, at healthcare utilization rate sa kaso ng COVID 19.

Niliwanag ni Roque babalansehin ng IATF ang lahat ng inputs mula sa mga health experts at economic managers ng pamahalaan para sa bagong quarantine classification dahil mahalaga ang kalusugan ng bawat mamamayan.

Gayundin ang ekonomiya ng bansa na naapektuhan dahil sa muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa nakalipas na dalawang linggo.

Vic Somintac

Please follow and like us: