Quarantine control points sa NCR Plus, mahigpit pa ring mamanmanan ng PNP

Mahigpit pa ring babantayan ng Philippine National Police ang mga quarantine control points upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, tinitiyak nilang mahigpit pa ring babantayan ng mga pulis ang mga border control kahit pa niluwagan na ang quarantine restrictions sa National Capital Region Plus.

Hindi pa rin kasi aniya bumababa ang kaso ng Covid-19 hindi lamang sa NCR maging sa ibang rehiyon kaya iniiwasan ang pagkalat muli ng virus.

Susundin pa rin nila kung may gagawing pagbabago sa mga guideline ng border control.

Kami ay tagapagpatupad lamang ng mga alituntunin na ibinababa ng IATF kaya’t kung may mga pagbabago man po, sakaling matuloy ang pagluluwag sa ibang lugar, amin po itong ipatutupad,”Gen Eleazar

Nananatili pa rin aniya ang random inspections sa mga bumibiyahe ng essential goods.

Please follow and like us: