Quezon city government ikinalungkot ang naganap na aksidente sa construction site na ikinasawi ng 1 at ikinasugat ng 10 katao

Ikinalulungkot ng Quezon City Government ang aksidenteng naganap sa isang construction site sa Barangay Balingasa, Quezon City.

Kaya naman agad na inatasan ang City Architect and Infrastructure Committee ng pamahalaang lungsod na magsagawa ng malawakang pag-inspeksyon sa lugar upang matukoy kung may mga naging pagkukulang at kung hindi sumunod sa standard construction procedures kaya naganap ang aksidente.

Batay sa ulat, isang construction worker ang nasawi habang sampu ang sugatan matapos gumuho ang scaffolding ng construction site.

Agad namang isinugod sa Quezon City General Hospital ang mga biktima kung saan lima sa mga nasugatan ang nanatili parin sa pagamutan.

Ipinag-utos naman ng pamahalaang lungsod na tulungan ang pamilya ng namatay at ng mga nasugatan sa insidente.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *