Quezon city local government, nakakuha ng 90% grade sa DILG kaugnay sa clearing operations

Nakakuha ng gradong 90 percent ang Quezon city local government mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa resulta ng clearing operations sa mga kalsada at bangketa.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, hindi man nakakuha ng mas mataas na grado ang pamahalaang panglunsod ay masaya na rin sila upang mas maging masigasig pa sila sa kanilang trabaho.

Itinuturing na high compliance ang 90 to 100 percent habang medium compliance naman ang 80 to 90 percent batay sa DILG.

Maituturing aniya na isang malaking accomplishment na para sa kanila ang 90 percent lalu na sa isang malaking lunsod gaya ng Quezon City.

Kahit tapos na ang deadline ay itutuluy-tuloy pa rin ng lunsod Quezon ang paglilinis sa mga sagabal sa kalsada sa pamamagitan ng pagbuo ng Task Force Forever mula sa Task Force 60-days upang magpatuloy ang kanilang nasimulan.

Masaya na po tayo sa 90 given na napakalaki ng ating lunsod, malaki nang accomplishment ang 90 percent. Magtutuluy-tuloy lang ang ating nasimulan upang hindi na manumbalik ang dating gawi at para manatiling clear ang ating mga kalsada at sidewalks”.

Mayor Joy Belmonte, Quezon City

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *