Quezon city, nagtala na ng unang kaso ng Covid-19

Kinumpirma ni Qquezon city Mayor Joy Belmonte na may naitala nang unang kaso ng Coronavirus disease sa lunsod.

Ang pasyente ay naka-confine na ngayon sa isang pagamutan.

Tumanggi muna ang Quezon city Disaster Risk Reduction and Management Council na magbigay ng iba pang detalye habang nagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng biktima.

Ang biktima ay kabilang sa 10 kaso ng Covid-19 sa bansa na tinukoy ng Department of Health.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us: