Qurantine marshals inirekomendang italaga sa mga quarantine facility

Inirekomenda ni Senador Nancy Binay na maglagay ng marshals sa mga quarantine facilities.

Ito’y para hindi na maulit ang pagtakas ng mga sumasailalim sa quarantine protocol tulad ng ginawa ng tinaguriang poblacion girl na si Gwyneth Chua.

Inirekomenda rin ni Binay ang mas mahigpit na parusa sa mga individual at establishments na lumalabag sa sa quarantine protocol.

Giit ni Senador Binay , hindi na sapat ang internal policy na ipinatutupad ng mga hotels at iba pang quarantine facilities katunayan ang sunod sunod na quarantine violations.

Sa halip na mag-deploy ng pulis na magbabantay sa mga quarantine facilities, mas mainam aniya na mga marshals tulad ng mga baranggay kagawad para sa mas holistic na approach.

Meanne Corvera

Please follow and like us: