Race to Zero campaign na inilunsad ng QC, lalo pang pinalakas

Mas pinaigting pa ng  Pamahalaang Panglunsod ng Quezon City ang  “Race to Zero” campaign kontra Covid-19.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nilalayon nito na makapagtala ang mga Barangay ng maraming suspected at probable COVID-19 cases habang mapababa din ang bilang ng mga nagpo-positibo sa sakit.

Sinabi ni Belmonte na mayroong cash incentive na ipagkakaloob sa mga barangay na makapagtatala ng magandang resulta sa nasabing kampanya.

Samantala, hinihikayat din ng alkalde ang mga mamamayan ng lungsod na tumulong at makipagkaisa sa nabanggit na kampanya.

Ang kailangan lang anyang gawin ay ireport sa kanilang barangay kung sila ay mayroong sintomas o kaya ay naging close-contact ng mga positibo sa COVID-19 upang mapabilang sa assessment and testing ng lokal na pamahalaan.

Belle Surara

Please follow and like us: