Rape-slay convict at Dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, pumanaw na

Kinumpirma ng Bureau of Corrections na pumanaw na ang Rape -slay convict at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Sinabi ni BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag na natagpuang “unresponsive” si Sanchez sa selda nito sa New Bilibid Prison alas-7:00 ng umaga nitong Sabado.

Isinugod pa si Sanchez sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Ayon kay Chaclag, huling nakitang buhay si Sanchez bandang alas-10 ng gabi ng Biyernes na naghahanda sa kanyang pagtulog.

Unresponsive na anya si Sanchez nang gisingin ito ng kanyang mga kasama sa piitan nitong Sabado ng umaga.

Inihayag pa ni Chaclag na walang senyales ng foul play sa pagkamatay ng dating mayor.

Paliwanag pa ng opisyal na mayroon na ring dating sakit si Sanchez tulad ng chronic kidney disease, hypertension, recurring gastro enteritis, prostate problems at asthma.

Naipabatid na anya sa mga kamag-anak ni Sanchez ang pagpanaw nito.

Una na ring dinala sa ospital si Sanchez noong 2020 matapos makitaan ng sintomas ng COVID-19 pero kalaunan ay nag-negatibo rin.


Bucor Spox Gabriel Chaclag:

Today at about 7am, PDL Antonio Sanchez was found unresponsive at his cell. He was brought to the NBP Hospital by his cell mates and was attended to by medical staff. He was declared DOA and subject for autopsy as per procedure on sudden deaths.

He was last seen at 10 pm still alive preparing to sleep. When his cell mates woke him up this morning, he was unresponsive. There is no sign of foul play. He had existing conditions such as chronic kidney disease, hypertension, recurring gastro enteritis, prostate problems and asthma.”

Moira Encina

Please follow and like us: