Rehearsal ng Military honor para sa inauguration ni President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa National museum isinagawa

Nagsagawa na ng dress rehearsal para sa pagbibigay ng military honor kay President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kaugnay ng kanyang inagurasyon sa Hunyo a trenta bilang ika-17 Pangulo ng bansa.

Inaapura narin ng inauguration committee ang paghahanda sa National Museum na magiging inauguration venue para kay BBM.

Doble higpit narin ang seguridad na ipinatutupad ng Philippine National Police o PNP sa paligid ng National Museum.

Isinapinal narin ng Media Accreditation Relations Office o MARO ng Malakanyang at BBM organizing group ang reglamento sa media coverage sa inauguration ni Bongbong Marcos Jr.

Vic Somintac

Please follow and like us: