Religious gatherings sa Maynila,pinapayagan na hanggang sa 30% ng venue seating capacity

Pinapayagan na ang religious gatherings ng hanggang 30 % ng seating capacity ng mga Kapilya, Simbahan o Mosque sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa nilagdaang Executive Order ni Manila Mayor Isko Moreno, nakasaad na ang desisyon nila na itaas ang pinapayagang seating capacity ng mga mga ginagawang religious gathering ay kasunod narin ng pagbaba sa community quarantine sa National Capital Region sa General Community Quarantine category.

Nakasaad pa sa EO na mahalaga ring matugunan ang mga pangangailangang ispiritwal ng kanilang mga nasasakupan.

Mahigpit naman ang paalala na sa pagsasagawa ng religious gatherings dapat ay tiyaking masusunod ang mga pinaiiral na minimum health standards at protocols bilang pag iingat sa COVID-19.

Nakasaad rin sa EO ang mahigpit na paalala sa mga nasa edad 18 pababa at mga nasa edad 65 pataas na manatili parin sa loob ng kanilang tahanan malibang kailangan gaya ng pagbili ng pangunahing pangangailangan o trabaho sa mga industriya na pinapayagan ng makapag-operate.

Madz Moratillo

Please follow and like us: