Report ng Quad Comm sa war on drugs at mga nakalap na ebidensya ng EJ K task force, pagsasamahin ng DOJ

Iku-consolidate ng Department of Justice (DOJ) ang mga ebidensyang nakalap na ng binuong Task Force on EJK, at ang nilabas na report ng Quad Committee ng Kamara sa giyera kontra droga ng Duterte Administration.

Sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres, Jr., na pag-aaaralan nilang mabuti ang committee report sa pagdinig ng QuadComm kung saan madaming nasiwalat na impormasyon at mga pag-amin ng paglabag.

Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres, Jr.

Posible naman aniyang ipa-subpoena ng task force ang mga testigo na humarap sa Quad Comm para pormal silang makunan ng salaysay.

Tiniyak ni Andres na magiging patas ang case build-up at imbestigasyon ng EJK task force at hindi sila magsasampa ng harassment cases.

Aniya, “If the evidence warrants, we will proceed with the filing thru the national prosecution service but we assure everyone kami po ay nakasisiguro na hindi po kami magpafile ng any harassment case, but when the evidence warrants, kapag meron tayong sapat na ebidensya we will hold people accountable.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *