Reso para bigyan ng pangulo ng executive clemency si Mary Jane Veloso, inihain sa kamara

Courtesy: HREP

Isinusulong sa kamara ang pagbibigay ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ng executive clemency kay Mary Jane Veloso, ang Pinay na nahatulan ng parusang bitay sa Indonesia, dahil sa isyu ng ilegal na droga.

Courtesy: HREP

Ito’y matapos na ihain ng Makabayan Bloc ng kamara ang House Resolution 2128 na humihiling kay PBBM na bigyan ng clemency si Veloso sa sandaling makabalik na sa Pilipinas, matapos ibaba ng Indonesian government ang hatol sa parusang habangbuhay na pagkakabilanggo mula sa parusang bitay.

Sinabi ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, na maituturing na biktima si Veloso ng kawalan ng oportunidad sa bansa kaya nakipagsapalaran sa ibang bansa, kaya marapat lamang na mabigyan ito ng pagkakataon na tuluyang lumaya at makapiling ang kaniyang mga mahal sa buhay.

Personal ding umapela si Ginang Cecilia Veloso na ina ni Mary Jane kay Pangulong Bongbong Marcos, na pakinggan ang panawagan ng mga kongresista na mabigyan ng clemency ang kaniyang anak.

Samantala, inaayos na ng Philippine government at Indonesian government ang pagbabalik sa bansa ni Mary Jane Veloso.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *