Resorts World management, aminadong may pagkukulang sa kanilang security protocol

Aminado ang pamunuan ng Resorts World Manila na mayroong pagkukulang sa kanilang security nang atakihin ng lone gunman ang hotel.

Sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni Resorts World Chief Operating Officer Stephen Reilly na matapos nilang pag-aralan ang CCTVfootages, nakita nila na mayroong mga lugar sa hotel na kinailangan ng security nang umatake ang suspek na si Jessie Carlos.

May lugar aniya sa hotel na dapat ay may nakatalagang security pero nang maganap ang pag-atake ay walang nagbabantay.

Pero sa kabila nito, ipinunto ni Resorts World Manila President Kingson Sian na maayos na naipatupad ng hotel ang emergency protocols, na nagresulta sa pagkakaligtas ng libu-libong guests sa kasagsagan ng pag-atake.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *