Resulta ng imbestigasyon ng DOJ sa kontrata ng TADECO at Bureau of Corrections isasailalim sa pagrepaso ayon sa Malakanyang

Suportado ng Malakanyang ang hakbang ng Department of Justice o DOJ na isailalim sa pagrepaso sa Joint Venture Agreement ng Tagum Agricultural Development Company o TADECO at Bureau of Corrections o BUCOR hinggil sa pag-upa sa mahigit na limang libong ektarya ng lupa ng Davao Penal Colony na tinataniman ng saging.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hihintayin ng Malakanyang ang resulta ng isasagawang pag-aaral ng DOJ.

Ayon kay Abella maalaman sa legal opinion ng DOJ kung talagang lugi ang gobyerno sa sinasabing Joint Venture Agreement ng TADECO at BUCOR.

Una rito iginiit ni House Speaker Pantaleon Alvarez na dapat ideklarang “null and void” o walang bisa ang umano’y “lopsided” deal na pinasok ng Bucor sa TADECO dahil luging-lugi daw ang pamahalaan sa kontrata.

Bukod dito labag din sa batas ang pagpasok ni Congressman Antonio Floirendo Jr. may-ari ng TADECO sa government contract dahil siya’y incumbent congressman nang pasukin ng kanilang kompanya ang Joint Ventire Agreement.

Magugunitang ang nasabing kuwestiyonableng kontrata rin ang dahilan ng isinampang kaso ni Speaker Alvarez laban kay Floirendo sa Office of the Ombudsman.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *