Retired SPO3 Arthur Lascañas isang polluted witness ayon sa Malakanyang

Ikinukonsidera ng Malakanyang si Retired SPO3 Arthur Lascañas bilang isang polluted source sa gitna  ng pagharap nito sa isinasagawang Senate investigation.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella minsan nang itinanggi ni  Lascañas na may Davao Death Squad o DDS noong una itong humarap sa pagdinig ng Senado.

Inihayag ni Abella ngayon ay bumabalik sa Senado si Lascañas na kung saan ibinibilad nito ang umanoy DDS at direktang idinadawit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Abella na hindi katanggap tanggap ang mga binitiwang testimonya ni Lascañas at hindi ito maikukonsiderang isang credible witness.

Hindi naman nabanggit ni Abella kung ikinukonsidera ng Palasyo ang pagsasampa ng kaso kay Lascañas na isang self confessed killer.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *