Rice subsidy ng mga 4p’s beneficiary, makukuha na ngayong buwan – DSWD

Simula sa buwang ito matatanggap na ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o (4p’s) ang ₱600M rice subsidy mula sa Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, aabot sa ₱2.5B ang inilaan para sa rice subsidy sa 3.5 milyong pamilya na miyembro ng 4p’s.

Samantala, inihayag ni Abella na marami sa mga Filipino ang masayahin pa rin .

Batay sa Social Weather Station survey, noong December 2016 umabot sa 91 percent ang antas ng kasiyahan ng maraming Pinoy.

Pinakamataas na antas sa loob ng dalawampung taon.

Ayon kay Abella , patunay lamang ito na kuntento ang taong-bayan sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Please follow and like us: