Rice Tariffication law, mas nagpahirap sa mga magsasaka

Inamin ni Senate President Vicente Sotto III na naloko ang Kongreso sa mga maling pangako ng Department of Agriculture sa isyu ng rice tarrification law.

Ayon kay Sotto, dismayado sila sa pagkakapasa ng batas dahil sa halip na makatulong lumala pa ang sitwasyon ng mga magsasaka.

Hindi kasi aniya napakinabangan ng mga magsasaka ang pangakong mabibigyan sila ng sampung bilyong piso kada taon para sa modernisasyon ng agrikultura.

Pero umaasa siyang aaksyunan ito ni President Elect Bongbong Marcos Jr.

Si Senador Lito Lapid umapila na sa DA na aksyunan ang reklamo ng mga magsasaka.

Sumulat na si Lapid kay Outgoing Agriculture Secretary William Dar para ipaalam ang hinaing ng mga magsasaka .

Nakatanggap ng reklamo si Lapid mula sa mga magsasaka kung saan idinadaing ang pagbuhos ng imported na bigas .

Dahil dito napipilitan silang ibenta na sa mas mababa at paluging presyo ang kanilang mga bagong naaning palay.

Umaapila na rin sila ng tulong sa susunod na administrasyon dahil sa mataas na presyo ng mga fertilizer at ayuda para mapataas ang kanilang produksyon batay sa nakasaad sa batas.

Meanne Corvera

Please follow and like us: