Rider patay matapos makaladkad ng trailer truck sa Bataan

Photo: Richie Paul Miranda Arrofo

Namatay at nalasog pa ang katawan ng isang motorcycle rider, makaraang bumangga at makaladkad ng isang trailer truck na may kargang tone-toneladang semento sa diversion road sa Barangay Sisiman , Mariveles, Bataan.

Sa ulat na nakarating kay Bataan Police Director Col. Romell A.Velasco, namatay ang biktima na nakilalang si Eugene Ywayan, residente ng nasabing barangay matapos bumangga sa kaliwang bahagi at pumailalim sa trak ang kaniyang motorsiklo, sanhi para siya ay maipit sa pagitan ng dalawang gulong nito.

Photo: Richie Paul Miranda Arrofo

Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng trailer truck na si Bernard Santos, na residente ng Balanga, Bataan.

Samantala, inabot ng halos tatlong oras bago nahugot ang katawan ng biktima sa pagkakaipit nito sa pagitan ng dalawang gulong ng trailer truck.

Ulat ni Larry Biscocho

Please follow and like us: