Road clearing operations, patuloy na isinasagawa sa Muntinlupa City

Patuloy ang road clearing operation sa National Road sa Muntinlupa City sa pangunguna ng Task Force Discpline at  Traffic Management Bureau ng Lungsod .

Ito ay bilang  pagsunod na rin sa 60-araw ng Department of Interior and Local Government (DILG)  Nationwide Road Clearing 2.0 hanggang Enero 15, 2021.

Ayon kay MTMB Chief Danidon Nolasco, magdaragdag sila  ng mga enforcer para sa on-ground apprehension sa mga  lalabag. Tiniyak din nito na kanilang susundin ang  minimum  health protocols.

Nananawagan naman ang DILG na ipagpapatuloy ang pagpapatupad sa paglilinis ng kalsada sa pamamagitan ng Memorandum Circular 2020-145 na nag-nag-uutos sa mga Local Government Unit na alisin ang mga sagabal  sa kalsada o sidewalks pati na ang plano sa paglipat  at rehabilitasyon sa mga nalinis na kalsada.

Samantala, napapanatili naman ng Lungsod ng Muntinlupa ang  pagsunod  sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa road clearing maging ang pagsuporta sa hakbangin ng National Government ukol  sa maayos na pangangasiwa sa trapiko.

Betheliza Paguntalan

Please follow and like us: