Rollback sa presyo ng LPG, ipinatupad ngayong araw

Nagpatupad ng bawas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ang kumpanyang Petron ngayong unang araw ng Marso.

Epektibo ang rollback ng Petron sa kanilang Gasul at Fiesta Gas kaninang hatinggabi.

₵35 centavos kada kilo o katumbas na ₱3.85 kada 11-kilogram cylinder ang ibinawas sa presyo ng LPG.

Habang may rollback din na₵ 20 centavos per liter ang Petron sa kanilang Auto LPG

Ayon sa Petron, ang rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Please follow and like us: