Sambayanang Pilipino, pinasalamatan ng Malakanyang sa mapayapang halalan sa bansa

Habang hinihintay ang resulta ng katatapos na pambansang halalan pinasalamatan ng Malakanyang ang sambayanang Pilipino na lumahok sa eleksiyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar ang mapayapa at maayos na halalan ay kahayagan lamang na malakas ang sistema ng demokrasya at institusyon sa bansa.

Ayon kay Andanar ang mataas na election turnout ay nagpapakita din ng lumalawak na political interes ng publiko.

Inihayag ni Andanar,nagsalita na ang sambayanang Pilipino kaya panahon na para paghilumin ang sugat na nilikha ng politika at magbuklod bilang isang bansa.

Ipinarating din ng Malakanyang ang pagbati sa mga nanalong kandidato sa ibat-ibang posisyon sa pamahalaan.

Vic Somintac

Please follow and like us: