Labing lima patay, sa aksidente sa Tanay Rizal

Labing lima katao ang patay makaraang sumalpok sa poste ng kuryente sa Sampaloc, Tanay, Rizal ang isang tourist bus.

Pawang mga estudyante mula sa Best Link College sa Novaliches Quezon City ang lulan ng naaksidenteng bus.

Sinabi ni Engr. Carlos Inofre, pinuno ng Tanay Disaster Risk Reduction and Management Office, magkakaroon sana ng camping sa isang resort sa Tanay ang mga estudyante.

Sa inisyal na impormasyon, nasa 50 katao ang kabuuang sakay ng naaksidenteng bus.

nawalan umano ng preno ang bus na pag-aari ng Harana Tours, dahilan kaya  sumalpok sa poste.

Please follow and like us: