San Juan City Gov’t, naglabas ng regulasyon sa pagdiriwang ng Chinese New Year

Nag-isyu ang lokal na pamahalaan ng San Juan City ng mga regulasyon para sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pebrero 12.

Alinsunod sa Executive Order na inilabas ni Mayor Francis Zamora, hanggang 10 katao lamang ang pinapayagan sa anumang pagtitipon o aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Ito ay aplikable sa parehong pampublikong lugar gaya ng mga parke, malls, restaurants at pribadong lugar tulad ng mga bahay, subdivisions, at condominiums sa lungsod.

Ang mga mall at restaurant na magsasagawa ng mga Chinese New Year- related events o mga aktibidad ay dapat na sumunod sa lahat ng mga ipinatutupad na patakaran at precautionary measures ng Pamahalaan bilang pag-iingat sa COVID-19.

Moira Encina

Please follow and like us: