San Luis sa Aurora muling nagsagawa ng pagbabakuna laban sa COVID-19

Muling nagsagawa ng pagbabakuna ang Pamahalaang Bayan ng San Luis, para sa mga nasa A1 category o  mga natitirang health workers na BHW, BNS, Kapitan at mga Barangay Officials na miyembro ng BHERT (Barangay Health Emergency Response Team), na kabilang sa priority categories.

Tulad ng mga nakaraang vaccination ay sumailalim ang mga ito sa profiling, upang makuha ang mga kinakailangang impormasyon tungkol sa kanilang kondisyon bago magpabakuna.

Titiyakin din ng mga kinauukulan, na maayos ang kondisyon ng isang indibidwal sa oras ng assessment, sa mismong pagbabakuna at bago sila pauwiin.

Ulat ni Daceryll Rivera

Please follow and like us: