Sara duterte ,itatalaga ni BBM bilang Deped Secretary sa oras na maiproklama na siya bilang Pangulo ng bansa

Ngayon pa lamang ay inihahanda na ni presumptive President Bongbong Marcos kung sino sino ang mga karapat dapat na italaga sa ibat ibang posisyon sa gobyerno.

Sa isinagawang Press statement ni Marcos ,ay sinabi nito na isa sa prioridad ng kanyang administrasyon ang edukasyon kaya agad niyang itatalaga si Leading Vice presidential candidate at Davao city Mayor Sara Duterte bilang Deped secretary.

Personal niyang kinausap si Sara kung kakayanin nitong hawakan ang trabaho bilang kalihim ng Deped na agad namang tinanggap ng presumptive Vice president.

Ayon pa kay Marcos, ipinapalagay niya na isa ring dahilan sa pag-sang ayon ni Sara ay dahil isa itong Ina at nais nitong masigurado na lalaki ang mga anak na maayos at may kasanayan.

Dagdag pa ni Marcos si Sara ang nakikita niyang bagay sa naturang posisyon dahil bilang ina naniniwala siya sa kakayahan nitong pamunuan ang Kagawaran ng Edukasyon.

Please follow and like us: