Satisfaction rating ni Senate Pres. Pimentel, bumaba rin sa latest SWS survey

Bumaba rin ang satisfactory rating ni Senate President Aquilino Pimentel III sa “moderate” mula sa “good” rating sa nakalipas na quarter batay sa latest survey ng Social Weather Station.

Ito ay matapos na mabawasan ng isang puntos ngayong first quarter ng 2017 ang kanyang +30 rating noong fourth quarter ng 2016.

Dalawang puntos naman ang ibinaba ng rating ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno mula sa +16 sa nakalipas na quarter, sa ngayon ay mayroon na lamang siya +14 rating.

Gayunman, tumaas naman ang rating ni House Speaker Pantaleon Alvarez mula sa “moderate” +10  sa “moderate” +12 na.

Nauna nang inanunsyo ng SWS na napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang “very good” +63 rating sa first quarter ng 2017.

Ang survey para sa mga top official ng pamahalaan na  isinagawa noong Marso 25 hanggang 28 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults respondents sa buong bansa.

May margin error ito na ±3 percent.

Please follow and like us: