Satisfaction rating ni VP Robredo, bumulusok sa latest SWS survey

Bumulusok ng 11 puntos ang satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo sa first quarter ng 2017.

Batay sa pinakahuling Social Weather Stations survey, si Robredo ang may pinakamalaking ibinabang rating mula sa mga top official ng pamahalaan.

Ayon sa survey, 53 percent lamang ng mga respondent ang satisfied sa bise presidente, 27 percent ang dissatisfied, at 19 percent naman ang undecided.

Dahil dito, mayroon lamang ngayon si Robredo na “moderate +26 net satisfaction rating.

Sa nakalipas na quarter, umabot pa ang rating ng pangalawang pangulo sa “good” +37.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *