SC, dumipensa sa agarang pagbasura sa inihaing reklamo laban kay Ombudsman Morales
Pinangatwiranan ng Korte Suprema ang agarang pagbasura nito sa inihaing disbarment case ni dating Manila Councilor Greco Belgica laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Ayon kay SC PIO chief Atty.Theodore Te, mali ang naging hakbang ni Belgica, dahil ang mga katulad ni Morales na nakaupo sa constitutional body ay hindi maaaring i-disbar habang nasa kaniyang tungkulin.
Kailangan munang magkaroon ng impeachment proceedings kung nais paalisin sa serbisyo ang pinuno ng anti-graft body.
Kaya naman, hindi na umusad anginihaing reklamo ng dating Manila Councilor dahil sa kawalan nito ng sapat na merito.
Nag-ugat ang reklamo ni Belgica laban kay Morales dahil sa pag-absweltonito kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa isyu ng pagpapatupad ng ₱142B Disbursement Acceleration Program o (DAP) na idineklara ng SC bilang unconstitutional.