SC inilatag ang health protocols para sa 2022 Bar Exams sa November

Inilatag na ng Korte Suprema ang mga COVID-19 health protocols para sa 2022 Bar Examinations sa Nobyembre.

Sa bar bulletin na inisyu ng Supreme Court, hinihimok ang examinees na sumailalim sa dalawang linggong self -quarantine o mula October 26, 2022.

Pinayuhan din ang examinees na limitahan ang non essential movements at umiwas na manatili sa hotels o dormitoryo na maaaring may mataas na risk na mahawa sila ng Covid.

Para naman sa unvaccinated examinees, kinakailangan nilang mag-prisinta ng negatibong RT-PCR o antigen test na kinuha 48 oras bago ang araw ng mga eksaminasyon.

Obligado rin na magsuot ng face mask sa lahat ng pagkakataon ang bar examinees at personnel sa local testing centers.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.