SC Justice Marvic Leonen, itinalagang chairperson ng Senate Electoral Tribunal

Nanumpa na bilang bagong pinuno ng Senate Electoral Tribunal si Associate Justice Marvic Leonen.

Ang posisyon ay dating hinawakan ni Supreme Court Justice Estela Perlas- Bernabe na kakaretiro lamang nitong Mayo.

Si Chief Justice Alexander Gesmundo ang nagpanumpa kay Leonen na dating chair ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET)

Ang mga miyembrong justices ng SET at HRET ay itinatalaga ng punong mahistrado.

Ang SET at HRET ang sole judge sa lahat ng mga kaso o protesta kaugnay sa pagkahalal, boto, at kuwalipikasyon ng mga senador at kongresista.

Ang SET ay kasalukuyang binubuo nina Associate Justice Ramon Paul Hernando, Associate Justice Henri Jean Paul Inting, Sen. Richard Gordon, Sen. Nancy Binay, Sen. Pia Cayetano, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Lito Lapid, and Sen. Risa Hontiveros.

Moira Encina

Please follow and like us: