SC pinalawig ang deadline ng pagsusumite ng lahat ng pleadings at court submissions

Extended hanggang sa unang araw ng Pebrero ang deadline ng pagsusumite ng lahat ng pleadings at court submissions.

Ito ay batay sa administrative circular na inisyu ni Chief Justice Alexander Gesmundo para sa lahat ng mahistrado, hukom, court personnel, abogado, party litigants, at court users.

Ayon kay Gesmundo, pinalawig ang January deadline ng mga pleadings dahil sa naka-aalarmang dami ng COVID-19 cases.

Gayundin, bunsod ng epekto ng bagyong Odette at sa kahilingan ng Integrated Bar of the Philippines.

Bagamat nanatiling bukas at operational ang mga hukuman partikular sa Alert Level 3 ay limitado lamang ang operasyon nito dahil sa mataas na kaso ng COVID.

Moira Encina

Please follow and like us: