SC pinuri ang pagsasabatas sa Office of the Judiciary Marshals

Tiwala si Chief Justice Alexander Gesmundo na malaking tulong ang RA 11691 o ang batas na lilikha sa Office of the Judiciary Marshals sa pagprotekta sa buong hudikatura.

Ito ang pahayag ni Gesmundo matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Judiciary Marshals Act.

Sinabi ni Gesmundo na sa pamamagitan ng batas ay matitiyak din ang epektibo at efficient na paggawad ng katarungan.

Ayon sa punong mahistrado, mapapalakas din ng pagkakaroon ng judiciary marshals ang morale ng mga tauhan at opisyal ng hudikatura lalo na sa panahon ngayon na may mga pangamba sa mga pagbabanta sa buhay ng mga abogado at hukom.

Una nang inihayag ni Gesmundo na hihingin nito ang tulong ng US government sa pagtatag ng judiciary marshals academy.

Moira Encina

Please follow and like us: